Manila, Philippines – Pormal na itatalaga bukas (December 11) ang bagong pinuno ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).
Ito ay matapos isama muli ang Pambansang Pulisya sa anti-illegal drugs operations na pangungunahan ng PDEA.
Ayon kay PDEG spokesman, supt. Enrico Rigor – Si S/Supt. Albert Ferro ang uupo bilang PDEG Chief kapalit C/Supt. Joseph Adnol.
Aniya, ikinalulugod ni Ferro ang tiwala at kumpiyansa sa kanya ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Dating Anti-Illegal Drugs Force (AIDG) head si Ferro pero nabalutan ito ng kontrobersiya dahil sa pagkamatay ng koryanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Facebook Comments