Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine National Police ang mas lumobo pang bilang ng mga drug surrenderees sa nagpapatuloy na war on drugs ng Duterte administration.
Batay sa accomplishment report ng PNP mula July 1, 2016 hanggang June 30 ,2018, mula sa 1, 427,953 na adik sa buong bansa, nakapagtala na ito ng 1,274,148 na mga adik na sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Mula sa naturang bilang, 897 ang High Value Targets.
Nasa 149,265 ang naaresto habang 4,540 naman ang nasawi sa mga police operations.
Aabot naman sa 215,032 ang nagboluntaryo na magpasailalim sa rehabilitation.
Facebook Comments