Manila Philippines – Walang plano ang Philippine National Police na ibasura ang Oplan Tokhang na pangunahing operasyon ng PNP sa anti-illegal drug war.
Sa briefing sa Malacanang ay sinabi ni PNP PIO Chief, Police Chief Superintendent Dionardo Carlos, ipinaliwanag na ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na wala namang masama sa kanilang Oplan Tokhang.
Paliwanag ni Carlos, ito ang nagbigay ng pinakamalaking resulta sa paglaban sa iligal na droga kung saan aabot sa 1.3 milyong drug personalities ang sumuko sa mga otoridad.
Ang nakalulungkot aniya ay nabigyan ng masamang kahulugan ang Oplan Tokhang dahil nagamit ito ng ilang masasamang loob sa kanilang pansariling kapakanan.
Pero sa harap nito ay inamin din naman ni Carlos na mayroon ding mga drug personalities ang napatay sa operasyon dahil nanlaman ang mga ito.
Sinabi naman ni Philippine Drug Enforcement Agency Spokesman Dirrek Carreon na suhestiyon lang naman ni PDEA Director General Aaron Aquino na palitan ang pangalan ng oplan tokhang.