‘WAR ON DRUGS’ | PNP, pinababantayan sa PDEA

26

Manila, Philippines – Para kay Senator Win Gatchalian, mahalaga na mabantayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Philippine National Police (PNP).

Pahayag ito ni Gatchalian ay makaraang ibalik na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang papel ng PNP sa war on drugs.

Diin ni Win Gatchalian, napatunayan na ng PDEA na hindi kailangang marami ang mamatay para maging epektibo ang paglaban sa iligal na droga.

Ayon kay Gatchalian, dapat samantalahin ng PNP ang pagkakataon para patunayan na mali ang kanilang mga kritiko.

Iginiit ni Gatchalian sa PNP na makabubuting pairalin ang matinding disiplina sa kanilang hanay para maiwasan ang paglaganap ng dugo sa mga anti-drug operations.

Facebook Comments