‘WAR ON DRUGS’ | Problema sa droga, susubukang tapusin sa loob ng isang taon

Manila, Philippines – Humingi ng isang taon si Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan para resolbahin ang problema sa iligal na droga sa bansa.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap ng mga nanumpang bagong opisyal ng pamahalaan sa Malacañang.

Ayon kay Pangulong Duterte, umaasa siyang masosolusyunan ang problemang ito lalo pat ngayon ay ibinalik na niya ang Philippine National Police (PNP) sa war on illegal drugs sa pangunguna parin ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.


Pinaalalahanan naman ni Pangulong Duterte ang mga bagong opisyal ng pamahalaan na tulad niya ay maging malakas din ang paglaban sa katiwalian sa gobyerno.

Bukod sa kanyang mga pangako na paglaban sa iligal na droga at paglaban sa katiwalian ay naglabas nanaman si Pangulong Duterte ng sama ng loob sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army o CPP-NPA na idineklara na niyang mga terorista.

Ayon sa Pangulo, sumobra na ang mga ito at hindi pwedeng ihingi ang isang bagay na hindi niya kayang ibigay.

Facebook Comments