WAR ON DRUGS | Reklamo laban kay PRRD sa ICC minaliit ng Malacañang

Manila, Philippines – Tiwala naman ang Malacañang na mawawalan lamang ng saysay ang panibagong reklamo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) dahil sa umano ay crimes against humanity.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanilang pinagbabasehan dito ang konsepto ng ‘complementarity’.

Malinaw aniya na hindi dapat gumagalaw ang ICC kung gumagalaw naman ang mga lokal na korte at hindi pinaiiral ang jurisdiction sa mga nakabinbing reklamo.


Dagdag pa ni Roque, sa sitwasyon sa Pilipinas ay malinaw na kumikilos ang mga korte rito.

Nanindigan din ang kalihim na hindi makukunsiderang reklamo ang bagong ‘communication’ na isinampa ng kaanak ng mga umano ay biktima ng Extra Judicial Killings (EJK) dahil hindi pa naman ito inaaksyunan ng ICC.

Facebook Comments