War on drugs sa Pilipinas, nais paimbestigahan ng ICC prosecutor

Nais ni International Criminal Court (ICC) Chief Prosecutor Fatou Bensouda na magkaroon ng full investigation sa nangyayaring patayan sa ilalim ng giyera kontra droga sa Pilipinas.

Ito ang isa mga huling gagawin ng ICC prosecutor bago siya bumaba sa pwesto ngayong linggo.

Sa statement, sinabi ni Bensouda na natapos na ang kanilang preliminary examination sa nangyayaring sitwasyon sa Pilipinas.


Humingi na si Bensouda ng judicial authorization para ipursige ang imbestigasyon.

Iginiit niya na mayroong batayan para paniwalang may nangyaring crimes against humanity sa konteksto ng ‘war on drugs’ ng pamahalaan sa pagitan ng July 2016 at March 2019.

Matatandaang bumitaw ang Pilipinas sa ICC noong 2019, pero sinabi ni Bensouda na maaari pa rin silang magsagawa ng imbestigasyon sa mga panahong miyembro pa ang Pilipinas.

Facebook Comments