Manila, Philippines – Naniniwala ang mga senador na dapat na bigyan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang Senado ng kopya ng pinakabagong narco list o listahan ng mga politiko na sangkot sa illegal na droga.
Ito ang inihayag ni Senator Koko Pimentel makaraang ihayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na sa 93 elected officials na nasa narco list kabilang dito ang 67 mayor, 6 na kongresista ilang vice mayor at vice governor.
Giit ni Senator Pimentel, dapat na ibigay ng PDEA ang listahan sa tanggapan ni Senate President Tito Sotto.
Ito ay para kanilang mabusisi at makapag-background check sa mga pangalan ng mga politiko na nasa listahan.
Bilang PDP Laban President, interesado si Senator Pimentel sa naturang narco list ito ay para masiguro na wala silang magiging kandidato sa 2019 elections na sangkot sa illegal na droga.
Sinang ayunan naman ni Senate President Sotto ang mungkahi ni Senator Pimentel na bigyang ng PDEA ng kopya ang Senado ng nabanggit na narco list.