Manila, Philippines – Naglabas na ang Philippine National Police ng supplemental operational guidelines para sa muling pagsasagawa ng war on drugs.
Ilan sa nakasaad sa walong pahinang guidelines, na lahat ng pulis na kabilang sa anti-illegal drug operations ay dapat palaging bitbit ang kanilang tickler o notebook na naglalaman ng kanilang functions, gagawing daily evaluation and remarks at monitoring ng team leader.
Kung available hinihikayat ng PNP ang mga pulis na gumamit ng body camera at iba pang gadgets para irekord ang lahat ng anti-illegal drugs operations.
Pagtatago ng mga ebidensyang nakukuha sa isang operasyon ay mahigpit na pinapasunod sa mga operatiba upang hindi mas magamit sa pagsasampa ng kaso.
Kapag nasugatan ang suspek sa operasyon dapat na dalhin agad ito sa ospital sakali namang mamatay ang suspek sa drug operation dapat na itong isailalim agad sa onsite inquest proceedings.
Bubuo rin sila ng body o adjudication board para imbestigahan ang lahat ng PNP personnel na masasangkot sa mga katiwalian may kinalaman sa pagsasagawa ng drug operations.
Nakalagay rin sa supplemental guidelines na dapat lahat ng PNP personnel ay dapat isailalim sa random drug test isang beses sa isang taon.
Lahat aniya ng magpopositibo sa drug test ay itatalaga muna sa administration and holding unit ng 60 na araw at mahaharap sa kasong administratibo.
Ang supplemental guidelines para sa anti-illegal drug operations ng PNP ay pinirmahan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa nitong January 19, 2018.