WAR ON DRUGS | Tokhang operation, opisyal nang sisimulan sa Lunes

Manila, Philippines – Ipapatupad na muli ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Tokhang operation simula sa Lunes.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, tapos na ang supplemental operational guidelines para sa Oplan Tokhang.

Sa Biyernes aniya ay ikakalat o ipapaalam ng PNP sa mga tokhangers o mga pulis na magsasagawa ng tokhang operations ang nilalaman ng operational guidelines.


Ito ay upang alam nila ang dapat gawin at hindi habang nagsasagawa ng tokhang operations.

Sa gagawing pagpupulong maari magtanong ang mga tokhangers ng kanilang concerned.

Ilan sa mahahalagang nakapaloob sa bagong guidelines para sa tokhang operation gagawin na lamang ang tokhang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes na layuning mabawasan ang duda sa mga pulis sa pagsasagawa ng tokhang operation.

Nilinaw rin ni Carlos na magkaiba ang oplan tokhang sa anti-illegal drugs operation ng PNP.

Ang tokhang operation ay isang paraan ng PNP para hikayatin ang mga na sa validated drug list na mag bagong buhay.

Dahil naniniwala aniya silang malaki pa ang posibilidad na maaring magbagong buhay ang isang taong adik sa iligal na droga.

Facebook Comments