Manila, Philippines – Kasabay ng pormal na pagsisimula ng panibagong Oplan Tokhang ng PNP, nagsimula na ring bisitahin ng nasa 82 Tokhangers ang anim na Barangay sa Quezon City na nasa impluwensya ng iligal na droga.
Ayon kay QCPD Director Police Sr/Supt. Guillermo Eleazar – walang arestuhang magaganap sa operasyon.
Pero paglilinaw niya, pwede pa ring malagay sa Upper Barrel Operation o Drug Buy Bust Operation ang mga mabibisita sa kanilang Oplan Tokhang.
Ito ay sakaling lumitaw sa case build up ng pulisya na sangkot sila sa drug activity.
Facebook Comments