WAR ON DRUGS | Unang araw ng muling pagsasagawa ng Oplan Tokhang, naging maayos – PNP Chief

Manila, Philippines – Walang naging problema ang Philippine National Police (PNP) sa unang araw ng muling pagpapatupad ng Oplan Tokhang sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, kuntento siya sa naging performance ng mga Tokhangers.
Marami aniya ang na-tokhang pero nasa directorate for operation na ang bilang ng mga ito.
Sinabi pa ni Dela Rosa na sa ngayon wala pa silang nakikitang anumang challenge sa pagpappatupad ng Oplan Tokhang.
Hindi aniya naging problema ang pag-iimbita sa mga stakeholders katulad ng media, mga barangay officials at iba pa.

Facebook Comments