Wardrobe designer na itinuturing na big time drug pusher at apat pang suspek, arestado sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City

52

Manila, Philippines – Arestado ang isang wardrobe designer na itinuturing na big time drug pusher kasama ang apat pang suspek sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Sonia Vitor, 45-anyos, Niño Nicanor, 37-anyos; Mary Jane Sta. Maria, 34-anyos; James Canata, 20-anyos at Honey Grace Dealega, 21-anyos.

Sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang mga otoridad na talamak ang bentahan ng ilegal na droga sa lugar kaya ikinasa ang naturang operasyon.

Nakumpiska sa mga suspek ang 18 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, P7,000 bills kabilang ang ginamit na marked money, isang kalibre-45 na baril na may isang magazine ng bala, isang timbangan, cellphones at iba pa.

DZXL558

Facebook Comments