Itatayo ang isang warehouse para sa mechanical dryer at isang solar-powered irrigation system bilang dagdag-suporta sa mga magsasaka sa Mangatarem, Pangasinan.
Isinagawa ang groundbreaking ceremony sa Barangay Bogtong Silag para sa proyektong pakikinabangan ng mga miyembro ng Bogtong Silag Rice and Corn Growers Farmers Association.
Ang warehouse para sa Mechanical Dryer ay mula sa Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization habang ang Solar-Powered Irrigation System ay mula naman sa Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management.
Pinangunahan ang programa ng Agricultural and Biosystems Engineering Office katuwang ang mga opisyal ng samahan at mga barangay officials.
Inaasahang makatutulong ang solar-powered irrigation system sa pagpapalawak at pagpapatatag ng suplay ng patubig sa mga sakahan, habang ang itatayong warehouse at mechanical dryer ay magbibigay ng maayos na pasilidad para sa pagpapatuyo at pag-iimbak ng ani. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










