WAREHOUSE MAINTAINER, KRITIKAL MATAPOS BARILIN NG KATRABAHO DAHIL SA LUMANG ALITAN SA URDANETA CITY

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang trentay tres anyos na Warehouse Maintainer matapos itong barilin ng katrabaho sa lungsod ng Urdaneta.
Ang biktima ay nakilalang si Fernan Garcia habang ang suspek ay nakilalang si Benjamin Cayabyab, mga empleyado ng isang warehouse sa nasabing Lungsod.
Naganap ang pamamaril pasado alas diyes ng Gabi sa Brgy. Sta Lucia nang magtalo ang dalawa dahil sa isang lumang alitan.

Dito na agad na naglabas ng baril ang suspek at pinaputukan ng tatlong beses ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib na agad namang naisugod sa pagamutan.
Naaresto naman ang suspek ng mga otoridad habang narecover ang baril na ginamit nito sa isang hukay na ginawa ng katrabaho nilang Security Guard kung kaya’t maging ito ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. |ifmnews
Facebook Comments