Warehouse ng plastic, nasunog sa Malabon

Tinupok ng apoy ang isang warehouse na produkto ng mga plastic sa Mabolo st. Santolan, Malabon kagabi.

 

Ayon sa Bureau Of Fire Protection (BFP), sa lakas ng apoy ay bumagsak ang bubongan ng warehouse at pundasyon na lang ang mga natira.

 

Naapula ang sunog alas 10:43 ng gabi na umabot sa ikatlong alarma.


 

Wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente habang nagpapatuloy sa imbestigasyon para alamin ang halaga ng mga naabong ari-arian.

Facebook Comments