Warehouse sa Maynila na may tone-toneladang Peking duck, ipinasara

Ipinasara ng Manila City Government ang isang storage facility ng D. Marine products sa Balut, Tondo.

Sa nasabing warehouse nakuha ang 10.3 tonelada ng Peking duck at iba pang produkto na una ng nasabat ng mga awtoridad.

Sasampahan naman ng mga kasong paglabag sa RA 10536 (Meat Inspection Code of the Philippines), ra 10611 (Food Safety Regulatory System), Administrative Order No. 26 Series of 2005 (Regulations on Meat Importation), at Omnibus Revenue Code ng lokal na pamahalaan ng Maynila sina Danilo Yulo at Jalen Yang ng D. Marine products.


Nabatid din na wala ring license to operate ang D. Marine products sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments