WAREHOUSE SA QUEZON, BINISITA NG NIA-MPIS

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng post-harvest inspection ang pamunuan ng National Irrigation Administration-Magapit Pump Irrigation System (NIA-MPIS) sa warehouse ng Unified Tiller Agricultural Cooperative (UTAC) sa bayan ng Quezon, Isabela.

Layunin ng pagbisita na suriin ang kapasidad ng warehouse ngayong nalalapit na harvest season sa ilalim ng Rice Contract Farming Program.

Ang naturang warehouse ay may kakayahang magbilad ng isang milyon metric tons kada 15 oras at kayang gumiling ng sampung libong bag kada araw at posible rin itong makagawa ng 250,000 kilo ng bigas kada araw.


Facebook Comments