WARNING! | FDA, nagbabala laban sa hindi rehistradong food supplements

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng mga hindi rehistradong food supplements.

Hindi rehistrado sa FDA ang;

1. Nature’s Blend Melatonin 3mg Dietary Supplement
2. Nature’s Way Alive! Multi-Vitamin
3. Nature Made Vitamin C 500mg Timed Release with Rose Hips
4. Max Slimming Capsule Garcinia Cambogia with L-Glutathione
5. Max White Glutathione


Napatunayan sa pamamagitan ng isinagawang Post-Marketing Surveillance (PMS) ng FDA na ang mga nasabing produkto ay hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon ng ahensya at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration (CPR).

Dahil hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA, hindi masiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Ang mga nasabing iligal na produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng komukunsumo nito.

Facebook Comments