WARRANT OF ARREST | Desisyon ni Judge Soriano, patuloy na inaabangan

Anumang araw magmula ngayon ay inaasahang maglalabas na ng desisyon ang Makati City Regional Trial Court Branch 148 kaugnay sa hirit ng DOJ na warrant of arrest at hold departure order laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Clerk of Court Atty. Rhodora Peralta, sensitibo ang kaso kung kaya at kinakailangan ng sapat na panahon ni Judge Andres Soriano para mapag-aralan nang husto ang mga isinumiteng ebidensya ng magkabilang kampo.

Una nang sinabi ni Police Senior Superintendent Rogelio Simon, hepe ng Makati Police na nasa final stage o huling yugto na si Judge Soriano sa paggawa ng desisyon.


Nag-ugat ang kaso makaraang ipawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iginawad na amnesty kay Senador Trillanes sa pamamagitan ng Executive Order no. 572.

Si Trillanes ay nahaharap sa non bailable case na coup d’etat sa Makati RTC B148 kaugnay ng Oakwood mutiny, marine standoff at Manila Peninsula siege.

Samantala, patuloy pa ring naka-antabay ang mga kagawad ng media maging ang Makati City Police at CIDG sa desisyong ilalabas ng mababang korte.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments