Friday, January 30, 2026

WARRANT OF ARREST ISINILBI LABAN SA AKUSADO SA KASONG QUALIFIED THEFT SA URDANETA CITY

Isinilbi ng mga tauhan ng Villasis Municipal Police Station (MPS) ang alias Warrant of Arrest laban sa isang 40-anyos na lalaki na nahaharap sa maraming kaso ng qualified theft.

Ang pagsisilbi ng warrant ay isinagawa sa loob ng BJMP Urdaneta District Jail sa Barangay Anonas, Urdaneta City. Kinilala ang akusado na residente ng Binalonan, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang alias warrant of arrest ay isinilbi kaugnay ng mga kasong Qualified Theft sa ilalim ng Criminal Case Numbers 7254, 7256, 7257, 7260, 7262, at 7263-R. Itinakda ng korte ang piyansa na nagkakahalaga ng ₱24,000.00 bawat kaso.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang akusado at nakakulong sa Urdaneta District Jail Male Dorm habang hinihintay ang mga susunod na proseso ng batas.

Facebook Comments