Warrant Of Arrest Laban Kay Kerwin Espinosa Dahil Sa Kasong Pagpatay – Hawak Na Ng National Bureau Of Investigation

15

MANILA – Natanggap na ng NBI ang kopya ng warrant of arrest na inisyu sa pinaghihinalaang drug lord na si Kerwin Espinosa para sa kasong murder na inihain laban sa kanya.Dalawang (2) warrant of arrest na may lagda ni Baybay City RTC branch 14 presiding Judge Carlos Arguelles ang natanggap ng NBI.Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni Espinosa maging ng mga kapwa niya akusado na Jesus Tolin ‘alyas Loloy’ at Brian Anthony Zaldivar ‘alyas Tony Pet’.Si Espinosa ay nasa kustodiya na ng NBI at nasa ilalim na ng witness protection program dahil itinuturing siyang mahalagang testigo sa pagtanggap umano ni Senador Leila De Lima ng drug money.Sa ngayon – pinauubaya na ng Philippine National Police sa Department of Justice kung paano maihaharap sa korte si Espinosa.

Facebook Comments