
Hindi pa kinukumpirma ng Department of Justice (DOJ) kung may arrest warrant nang inilabas laban kay Senator Bato Dela Rosa.
Kasunod ito ng sinabi ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang social media post na pinag-iingat ang senador dahil may warrant na siya mula sa International Criminal Court (ICC).
Binalaan ni Roque si Dela Rosa na huwag umanong magpa-kidnap at igiit na may karapatan muna siyang dalhin sa korte sa Pilipinas.
Bago niyan, nanindigan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may warrant na kay Sen. Bato.
Habang noong nakaraang buwan nang dumulog ang kampo ni Dela Rosa sa Korte Suprema para atasan si Remulla na ilabas ang kopya pero hindi ito pinagbigyan.
Dawit si Dela Rosa sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC dahil isa siya sa naging tagapagpatupad ng war on drugs.









