Warrant of arrest laban kay Senior Agila at ilang lider ng kultong Socorro, isinilbi na ng NBI

Kinumpirma ni Sen. Ronald dela Rosa ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Dapa, Surigao del Norte laban sa lider ng Socorro Bayanihan Services Inc. na si Jay Rence Quilario o Senior Agila at sa 12 iba pa.

Kaugnay ito ng kasong walong counts ng paglabag sa qualified trafficking in persons sa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act (RA 9208).

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng grupo ni Agila.


Samantala, inalis na ng Senado ang contempt order laban sa mga lider at kasapi ng kultong Socorro.

Matapos ang anunsyo ni Dela Rosa ay agad na nagtungo sa Senado ang NBI para isilbi ang warrant of arrest laban kay Senior Agila.

Facebook Comments