Warrant ni Co, naisilbi na ng NBI

Naisilbi na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan laban kay dating Cong. Zaldy Co sa mansion nito sa isang exclusive subdivision sa Pasig City.

Isa sa mga abogado ni Co ang tumanggap sa warrant of arrest laban sa dating mambabatas.

Hinimok naman ni NBI Officer-in-charge Angelito Magno si Co na sumuko na.

Ayon kay Magno, mas magaan ang proseso kapag kusang sumuko at mas mabigat kapag ang akusado ang hinabol ng batas.

Sinabi ni Magno na nananawagan ang hustisya at mas mahirap aniya kapag tinakbuhan ito.

Facebook Comments