Warrant of Arrest ng Senado, idinulog sa Korte ng kampo ni Rose Nono Lin

Idinulog sa korte ni Businesswoman Rose Nono Lin ang warrant of arrest na inisyu laban sa kaniya ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ay matapos na hindi makadalo si Lin sa pagdinig ng Senado noong January 27 kaugnay ng kontrobersyal na multi-billion peso deal sa pagitan ng Pharmally Pharmaceutical Corp. (PPC) at ng budget department.

Sa isang panayam sa Maynila, nilinaw ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Lin, na sa pagkaalam ni Lin ay na hindi na operational ang Pharmally Biological Pharmaceutical Company (PBPC) at malinaw na wala itong naging transaksyon o kontrata sa pamahalaan.


Iba rin aniya ang kompanyang ito sa Pharmally Pharmaceuticals kung saan hindi shareholder o opisyal si Lin.

Idinagdag pa ni Atty. Mallonga na walang basehan para i-cite si Lin sa perjury dahil maayos naman aniya itong sumagot sa mga katanungan sa kaniya ng komite sa mga nakalipas na pagdinig.

Bukod dito, balido naman aniya ang rason kung bakit hindi ito nakadalo sa Senate inquiry noong January 27, 2022 at December 21, 2021.

Facebook Comments