Warrant of arrest ni Paulene Canada, ibabalik na sa Korte

Dadalhin sa Pasig City Regional Trial Court ang warrant of arrest laban kay Pauleen Canada, isa sa mga akusado ni Pastor Apollo Quiboloy sa mga kasong qualified human trafficking at child abuse.

Ito ang sinabi ni Police Regional Office 11 Director, PBGen. Nicolas Torre III matapos iharap sa media kanina si Canada sa Kampo Crame.

Ani Torre, sa korte sa Pasig City kasi isinampa ang kaso laban kina Quiboloy gayundin sa mga kapwa akusado nito.


Matatandaang si Canada ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa isang subdibisyon sa Cabantian sa Davao City kahapon kung saan isang tipster ang nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad.

Facebook Comments