WARRANT OF ARREST | Resolution hinggil sa kahilingan ng DOJ laban kay Trillanes posibleng ilalabas ngayong araw

Anumang oras ay posibleng maglabas ng resolusyon hinggil sa kahilingan ng warrant of arrest ng DOJ laban kay Senador Antonio Trillanes IV sa Makati RTC Branch 148 sa sala ni Judge Andres Soriano sa kasong kudeta na kinakaharap ng senador.

Matatandaan na nakapaglagak ng piyansa si Trillanes noong Martes sa halagang P200,000 sa kasong rebellion sa Branch 150 ng Makati RTC.

Pero nilinaw naman ni Soriano na hindi siya maglalabas ng resolusyon ngayong araw kaugnay pa rin sa kahilingan ng DOJ na inatasan ang Mababang Korte na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes.


Nakaantay pa rin ang mga tauhan ng CIDG sa labas ng Makati RTC Branch 148 dahil sa inaasahang anumang oras ay posibleng magpalabas ang Mababang Korte ng isang resolusyon sa kahilingan ng DOJ na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Trillanes.

Facebook Comments