Ipinakokonsidera ng Commission on Human Rights (CHR) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang utos nito sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng warrantless arrest laban sa mga taong lumalabag sa mga lokal na ordinansa sa pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na bagama’t mabuti ang nais ng Pangulo na maprotektahan ang lahat sa posibleng pagkahawa sa COVID-19, mahahawa rin ang mga ito sa virus kung dadalhin sa kulungan.
Matatandaang una nang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may karapatan ang isang law enforcer na arestuhin ang isang indibidwal kahit walang warrant basta ay nasaksihan ang quarantine violation.
Hindi naman ito pinaboran ng CHR at sinabing dapat na magpatupad ng gobyerno ng makataong pagdidisiplina sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya.