WARRIOR PA RIN | Kontrata ni Golden State head coach Steve Kerr extended

Pormal na inihayag ng Golden State Warriors ang pagpapalawig ng kontrata ng kanilang head coach Steve Kerr.

Ayon kay general manager Bob Myers malugod ang koponan na si Kerr pa rin ang patuloy na titimon sa Warriors sa darating pang mga taon.

Malaki ang pasasalamat ni Myers kay Kerr dahil nagawa nitong gawin contender ang koponan.


Si Kerr din ang isa sa mga dahilan kung bakit nakuha ng Warriors ang tatlong kampeonato sa NBA sa nakaraang apat na taon.

Dahil sa team policy, hindi isinapubliko ang mga detalye ng kontrata ni Kerr pero inaasahan na magiging isa siya sa mga highest paid coaches sa NBA sa pagbubukas ng season sa Oktubre.

Facebook Comments