Warriors, minalas sa laban kontra Houston Rockets

NBA – Tinalo ng Houston Rockets ang defending champion na Golden State Warriors sa iskor na 122-121 sa season opener ng ‎2017-2018 NBA season.

Nanguna si Rockets Star James Harden na nagtala double-double 27 points at 10 assists, sinundan naman siya ni Eric Gordon na umiskor ng 24 points para talunin ang defending champs.

Si two time MVP Stephen Curry naman ay gumawa ng 22 points para sa kanyang koponan.


Minalas naman ang Warriors dahil hindi na nakabalik ang defensive player of the year noong isang taon na si Draymond Green matapos niyang makaranas ng left knee strain sa ika-4th quarter ng laban.

Facebook Comments