Cauayan City – Mainit na tinanggap ng Quirino Electric Cooperative (QUIRELCO) ang mga “Warriors of Light” mula sa Nueva Ecija I Electric Cooperative (NEECO I) at Zambales II Electric Cooperative, Incorporation (ZAMELCO II) sa ilalim ng NEA-PHILRECA Task Force Kapatid.
Katuwang ng misyon ang One EC Network Foundation at Central Luzon Electric Cooperatives Association Incorporation para tulungan ang mga komunidad na sinalanta ng bagyong Nika at Pepito.
Pinangunahan ni General Manager Cesar P. Gulla, kasama sina Jerry B. Guillermo (ISD Manager), Ronelie D. Viray (FSD Manager), at Engr. Rodolfo T. Yangat, Jr. (TSD Manager), ang pagsalubong sa grupo.
Isang briefing ang isinagawa upang tiyaking maayos at organisado ang proseso ng rehabilitasyon.
Ang Task Force Kapatid ay pangunahing programa ng mga electric cooperatives na nagpapakita ng diwa ng bayanihan at pagkakaisa tuwing may sakuna.
Samantala, ang pagtulong ng NEECO I at ZAMELCO II ay patunay ng dedikasyon ng sektor na magbigay ng suporta sa mga nangangailangan.