Warriors, tiniyak ang mahigpit na depensa kontra Raptors

Tiniyak ng Golden State Warriors ang matinding depensa kontra Toronto Raptos sa game 1 ng NBA Finals.

Ayon kay Warriors star Stephen Curry, gagawin nila ang lahat para malimitahan ang galaw ni Kawhi Leonard ng Raptors.

Aminado naman si Golden State head coach Steve Kerr na hindi nila masyadong gamay ang kanilang makakatunggali.


Gayunman, hindi aniya nila hahayaang maapektuhan sila ng injuries nina Kevin Durant at Demarcus Cousins sa kanilang target na makamit ang ikatlo nilang sunod na titulo sa NBA.

Sinabi naman ni Raptors coach Nick Nurse, na kahit na natalo nila ang Warriors ng dalawang beses noong regular season, inaasahan nilang iba ang magiging sitwasyon ngayon.

Batid aniya nilang mas gigil ang GSW ngayon kaya nakalatag na rin ang kanilang mahigpit na diskarte para masilat ang two-time defending champions.

Facebook Comments