Warriors, tinuldukan ang apat na magkakasunod na talo kontra Utah

Bumida sina Stephen Curry at Draymond Green ng Golden State Warriors para talunin ang Utah Jazz sa score na 131-119.

Nakagawa ng 32 points si Curry habang may 11 points, 12 rebounds at 12 assists si Draymond Green para tuldukan ang apat na magkakasunod na talo ng Warriors.

Nabalewala naman ang 24 points at career-high na 28 rebounds ni Rudy Gobert para sa Jazz.


Habang kinulang din ang 24 points ni Donovan Mitchell at 23 points ni Mike Conley.

Facebook Comments