WASAK | Halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura umabot sa P1.3-B

Umabot na rin sa P1.3 bilyon ang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng pananalasa ng habagat na pinaigting ng mga bagyong Henry, Inday at Josie.

Sa nasabing halaga, nasa mahigit P480.3 milyon ang nasira sa imprastraktura at higit P896.7 naman sa agrikultura.

Kabilang sa mga nasira ang mga palayan at palaisdaan sa Central Luzon, Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA at Western Visayas.


Facebook Comments