WASAR TEAM NG PANGASINAN PDRRMO, NAKAANTABAY SA PAGLIKAS NG MGA APEKTADONG PANGASINANENSE KAUGNAY SA NARARANASANG PAG-ULAN

Nakaantabay ang Water Search and Rescue (WASAR) Team ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO sa mga apektado Pangasinense kaugnay sa ilang araw na nararanasang tag-ulan.
Agaran din ang isinasagawang preemptive evacuation partikular sa ilang residente sa bayan ng Bani bunsod ng biglaang pagtaas ng tubig na epekto pa rin ng tag-ulan dahil sa Hanging Habagat na nananatili sa lalawigan.
Matatandaan na inabisuhan na rin ang mga residente na kinabibilangan ng mga flood prone at landslides prone areas partikular sa mga naitalang barangay sa mga bayan ng Agno, Alaminos, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Infanta, Mabini at Sual na maging alerto.

Pinapayuhan din ang lahat na makipag-ugnayan sa mga ng mga kinauukulang local officials sa kani-kanilang bayan upang agad na marespundihan sa oras ng epekto ng sakuna.
Nagpapatuloy din ang pagsasagawa ng monitoring sa karagatan at river systems ng Provincial Government katuwang ang mga Local Disaster Risk Reduction Management Office ng mga bayan sa lalawigan.
Samantala, Pinapayuhan ang publiko na patuloy na makipag ugnayan sa local officials at alamin ang hotlines ng ating mga kinauukulan. |ifmnews
Facebook Comments