Posibleng ilipat ng pamahalaang bayan ng Santa Maria ang pagtatapon ng basura sa isang modernong sanitary landfill facility sa Pampanga bilang pangmatagalang solusyon sa waste disposal.
Noong Marso 13, sinuri ng Local Government Unit (LGU) ng Santa Maria ang naturang pasilidad.
Kasama sa site visit ang mga kinatawan mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at iba pang stakeholders sa pamamahala ng basura sa Santa Maria.
Inilatag sa pagbisita ang operasyon ng sanitary landfill na matatagpuan sa 91-ektaryang lupa sa Barangay Pabanlag, Floridablanca.
Ayon sa ulat, kaya nitong tumanggap ng hanggang 10 milyong cubic meters ng basura at idinisenyo alinsunod sa national environmental standards.
Ayon sa LGU, pinag-aaralan pa ang planong paglipat sa naturang pasilidad bilang pangmatagalang sistema sa pamamahala ng basura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










