Kasado na ang mas mahigpit at mas maayos na sistema ng pagbabasura sa lungsod matapos isagawa ang isang Environmental Forum para sa informal waste sector at mga junkshop owners sa Alaminos City.
Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office, tinalakay ang tamang sistema ng pagtatapon at recycling ng mga basura upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng kabuhayan ng mga nasa sektor ng basura.
Iginiit naman ng Pamahalaang Panlungsod, ang mahalagang gampanin ng bawat sektor at mga residente upang maging magtagumpay ang environmental campaign ng gobyerno, mula sa mga kabahayan at barangay.
Ang kooperasyon ng mga junkshop owners at waste pickers ay tinitingnan bilang susi upang hindi lamang mapanatiling malinis ang Alaminos, kundi upang maging modelo rin ng sustenableng lungsod sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










