Nanindigan ang lokal na pamahalaan ng Mangatarem sa mas pagbubutihin ang pagsasakatuparan ng komprehensibong waste management at environmental programs sa bayan kasunod ng pagkilala bilang Best Solid Waste Management Implementor sa Region 1.
Ayon sa LGU, patuloy na tinututukan ang mga isyu at hamon sa kalikasan upang mapanatili ang kalinisan sa bawat sulok ng bayan.
Kabilang sa mga environmental activities ang Palit Basura Program na nagpapalit ng grocery items sa mga nakolektang basura sa bawat barangay.
Ang mga basura na nakokolekta sa naturang programa ay dumadaan sa classification upang gawing organic na pataba ang mga nabubulok; garlands at ID lace ang mga plastic at magazine; habang ginagawang eco-bricks naman ang recyclable na ginagamit sa mga imprastraktura sa bayan.
Kaugnay nito, inihayag ng lokal na pamahalaan ang seryosong pag-abot sa pagiging Cleanest Town in Pangasinan sa taong 2028.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨







