Ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang temporary closure ng waste recovery facility sa Baguio City.
Ito ay dahil sa kabiguan nitong ipatupad ang segregation program ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay DENR spokesperson, Undersecretary Benny Antiporda – binubuo na ang Cease and Desist Order.
Lumalabas na apat na toneladang nabubulok na basura ang itinatapon sa pasilidad sa araw-araw.
Tiniyak naman ng DENR na ang pagpapasara sa pasilidad ay hindi mauuwi sa garbage crisis.
Ang mga basura ay maaaring itapon sa mga kalapit probinsya.
Facebook Comments