WASTE SEGREGATION SA LINGAYEN, MULING IGINIIT

Muling iginiit sa mga kababayan sa Lingayen ang tamang paraan ng pagtatapon at paghihiwa-hiwalay ng basura para sa kalinisan.

Naglabas ng gabay ang Municipal Environment and Natural Resources Office na dapat sundin ng mga residente upang hindi mahirapan ang waste collection team.

Base sa abiso, maaaring ilagay sa compost pit ang mga nabubulok habang pwede naman ibenta sa mga junkshop ang mga kagamitan na pwede pa i-recycle.

Ang mga residual at special wastes naman tulad ng baterya, container at iba pang kagamitan na walang pakinabang ay dapat ipunin para sa koleksyon tungo sa material recovery facility.

Ipinagbabawal naman ang pagsusunog ng basura kabilang ang mga diaper at sanitary napkin at pagtatapon sa mga bakanteng lote.

Patuloy ang pakiusap ng tanggapan sa mga residente sa wastong segregation bilang pakikiisa sa paglilinis ng basura sa bayan lalo na tuwing pansamantalang nagsasara ang pinagbabagsakang Sanitary Landfill. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments