WASTE SEGREGATION SA MGA KABAHAYAN, BINIBIGYANG-DIIN SA LINGAYEN

Patuloy na tinatalakay sa bawat barangay sa Lingayen ang kahalagahan ng waste segregation o tamang paghihiwalay ng basura sa mga kabahayan.

Sa mga isinasagawang barangay assembly, umiikot ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) upang paigtingin ang kamalayan ng publiko hinggil sa tamang pangangasiwa ng basura para sa mas malinis na kapaligiran.

Tinalakay sa pagpupulong ang tamang klasipikasyon ng basura, biodegradable, non-biodegradable, recyclable, at special wastes, at kung paano nito mababawasan ang basurang dinadala sa sanitary landfill sa ibang bayan.

Ayon sa MENRO, nananatiling hamon ang sabay-sabay na pagdagsa ng hindi na-segregate na basura sa Material Recovery Facility (MRF), lalo na tuwing pansamantalang isinasara ang sanitary landfill sa Urdaneta City.

Bunsod nito, muling hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na aktibong makiisa sa waste segregation upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng bayan.

Facebook Comments