Naabutan ng IFM News Dagupan ang paglalagay ng mga opisyal ng barangay ng mga sakong ginawang basurahan.
Ayon sa Arsenio Curameng, Punong Barangay ng Mayombo, mahalaga ang kooperasyon ng bawat isa sa tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagdumi at mabahong amoy sa paligid.
Ipinahayag rin ng kapitan na may inilatag silang mga parusa para sa mga hindi susunod sa itinakdang patakaran.
Sa unang paglabag, makakatanggap ng babala; habang sa ikalawang paglabag, ipapataw ang multang P300 at community service bilang kaparusahan.
Samantala, patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan ng Dagupan hinggil sa implementasyon ng No Segregation, No Collection policy.
Layunin nitong mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa buong lungsod sa pamamagitan ng wastong pamamahala sa solid waste.
Umaasa ang mga opisyal ng barangay sa disiplina ng bawat residente upang mas mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









