Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Alaminos ang mas pinag-iigting na pagsunod sa wastong fare matrix alinsunod sa nagaganap na Region 1 Regional Schools Press Conference ngayong taon kung saan ang Schools Division Office Alaminos ang host sa naturang DepED event.
Kaugnay nito ang pagpapaalala sa mga drivers ng mga pampublikong sasakyan sa syudad ang striktong pagsunod sa No to Overpricing o ang pagsingil sa mga pasahero sa mataas na halaga lalo na at mga estudyante o ang mga kalahok na Campus Journalists na mula pa sa labing-apat na Schools Division Office sa buong Region 1 ang mananahan ng tatlong araw sa lungsod.
Ito ay upang maiwasan din ang kaso ng pagreklamo ukol sa bayad sa mga pampasaherong sasakyan nang hindi ito maging isa sa mga isyu ng mga RSPC Delegates.
Pati rin ang mga products at commodities na patok sa lungsod sinigurong niregulate ang mga presyo nito upang maging affordable ito sa mga bumisitang taga karatig probinsya.
Sa itinakdang schedule of activities ay kabilang ang pagbisita sa ilang pamosong pasyalan sa Alaminos City na may layong matanaw ng higit dalawang libong delegasyon ang kagandahan ng syudad, maipakilala sa lahat.
Mithiin din ng komite ng nasabing aktibidad na maenjoy ng mga Journalists ang kanilang maikling pamamalagi, binigyang diin ang experience na kanilang mararanasan bukod sa sinalihang mga writing competitions. |ifmnews
Facebook Comments