WASTONG PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA BAYAMBANG, IGINIIT PARA SA PAGPAPANATILI NG KULTURA

Inilatag ang planong pagsasagawa ng serye ng mga pagsasanay na magpapayabong sa ortograpiya at paggamit ng Wikang Pangasinan at Filipino sa pagpupulong ng lokal na pamahalaan at isang pamantasan sa Bayambang.

Tinalakay rito ang mga hakbangin upang paigtingin ang pagpapalaganap ng tamang paggamit at pagsulat ng mga lokal na wika.

Sang-ayon ang opisina ng turismo sa bayan na kinikilala ang kahalagahan ng ortograpiya bilang pundasyon sa pagpapanatili ng kultura at yamang taglay ng mga residente sa bayan.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapalaganap ang layunin ng mga planong proyekto sa mga paaralan, tanggapan ng pamahalaan, at lokal na lathalain.

Sanib-pwersa ang dalawang tanggapan sa nagkakaisang adhikain na mapatibay ang kontribusyon ng pambansang wika sa lokal na komunikasyon.

Facebook Comments