Sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay binusisi ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list representative Elizaldy Co ang paggamit ng Department of Health (DOH) sa pondo nito.
Base sa report sa komite ni DOH Financial and Management Service Director Rowena Lora, noong 2022 ay 79% ng pondo ng ahensya ang nagamit nito o katumbas na ₱145.94 billion.
Ayon kay Lora, pangunahing nilaanan ng pondo ng ahensya ang Health Facilities Enhancement Program at Medical Assistance to Indigent Patients Program.
Binanggit din ni Lora ang COVID-19 laboratory network commodities gayundin ang prevention and control of communicable diseases, at ang operasyon ng mga ospital na pinapatakbo ng DOH.
Diin ni Committee Senior Vice Chairperson Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, mahalagang matiyak na ang lahat ng ahensya kasama ang DOH ay tama at epektibo ang paggamit sa kanilang mga pondo.