Muling ipinaalala ng barangay council ng Quesban, Calasiao ang wastong paghihiwalay ng basura bago kolektahin sa mga kabahayan.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa barangay council, tanging mga hindi nabubulok lamang ang kinukuha ng kolektor kaya kinakailangan na naka-segregate na ang mga basura upang malinis na ibabagsak sa trak ng Municipal Environment and Natural Resources Office bago dalhin sa Material Recovery Facility sa Brgy. Malabago.
Ang mga nabubulok naman na basura ay iniiwan umano upang gawing compost soil sa mga halaman.
Samantala, iginiit ng pamunuan na hindi na kukunin ang mga basura na hindi segregated sa darating na linggo.
Kaugnay nito, apela naman ng barangay ang kooperasyon ng mga residente kasunod ng libreng koleksyon ng basura na isinasagawa tuwing Lunes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









