Nagtipon ang Gender and Development (GAD) Technical Working Group sa Bayambang upang talakayin at suriin ang pamamahala, paggamit ng badyet, at implementasyon ng mga Gender and Development programs para sa taong 2025.
Binalikan ng grupo ang mga isinagawang aktibidad na nakaangkla sa programa katuwang ang iba’t ibang tanggapan at ahensya.
Kabilang dito ang mga programang nakatuon sa women empowerment, child protection, pag-iwas sa gender-based violence, gayundin ang mga serbisyong may kaugnayan sa kalusugan, nutrisyon, at kabuhayan ng mga residente.
Pinagtuunan din ng pansin sa pulong ang maayos na paggamit ng pondo mga naging epekto ng mga ipinatupad na programa, at ang fund utilization rate upang matiyak na napapakinabangan nang wasto ang pondo para sa GAD.
Paghahanda at pagtatapos rin umano ito ng mga gawain para sa kasalukuyang taon at pagtiyak sa mas maayos na implementasyon ng mga GAD program sa 2026.









