WASTONG PANGANGALAGA NG MGA BABOY KONTRA COVID-19, ISINAGAWA NG LGU SAN CARLOS CITY

Nagsagawa ang pamahalaang lungsod ng San Carlos ng isang seminar ukol sa wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng mga baboy kontra sa African Swine Fever (ASF).
Pinangunahan ng City Veterinary Office ang aktibidad na bahagi ng Sentineling Program ng LGU na layong maihanda muli ang mga hog raisers sa lungsod sa backyard farming o pag-aalaga ng mga baboy matapos ang ASF infection na naranasan sa mga nakalipas na taon.
Kabilang sa mga tinalakay sa nabanggit na seminar ay ang wastong pagpapakain at pangangalaga sa mga baboy, mga karaniwang sakit at parasitiko na nakakaapekto sa kanilang kalusugan gayundin ang biosecurity na alinsunod sa mga resulta ng mabusisi at masusing eksperimento na isinagawa ng Department of Agriculture (DA) at City Veterinary Office.

Tiniyak naman ni City Veterinarian Dr. Solomon Gabuyan na tuloy-tuloy parin ang pagbabantay ng kanilang tanggapan sa katayuan ng lungsod sa usapin ng mapaminsalang African Swine Fever. | ifmnews
Facebook Comments