WASTONG PANGANGASIWA AT SANITASYON SA SUPLAY NG TUBIG, IPINABATID SA MGA LGU SA REHIYON

Ipinabatid sa mga lokal na pamahalaan sa Rehiyon I ang tamang pangangasiwa at sanitasyon ng suplay ng tubig sa ginanap na seminar-workshop sa Laoag City, Ilocos Norte.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang LGU sa rehiyon upang matutunan ang organisasyon ng Barangay Water Supply and Sanitation Associations (BWASA) at ang wastong pagpapatakbo at pangangalaga sa mga pasilidad at utilities na pinamamahalaan ng BWASA.

Kasama sa programa ang praktikal na sesyon at field visit sa isang rural water sanitation and multi-purpose association sa Pagudpud, Ilocos Norte, kung saan nasaksihan ng mga kalahok ang aktwal na operasyon at nakakuha ng ideya at karanasan na maaaring ilapat sa kanilang sariling LGU.

Layunin ng seminar-workshop na bigyang-kakayahan ang mga lokal na pamahalaan na maisabuhay ang natutunan para sa pangmatagalang pamamahala ng tubig at sanitasyon sa kanilang komunidad.

Facebook Comments